Happy 5th Birthday Rapido!


Since May 15, nandito na kami sa Pasig ni Rap. Daddy Jun left for a business meeting in Shanghai. May 21 pa ang balik niya. Sayang nga eh, hindi pa May 20 para in time sa 5th birthday ni Rap. Bukas ng gabi, pagdating niya dito, saka pa lang kami magsi-celebrate ng birthday ni Rap.

Ngayon, nag-stay kami ni Rap sa Robinson's Galleria. Natatawa nga ang mga kapatid ko. Probinsyanong probinsyano daw kaming mag-ina. Halos lahat nga naman ng mga malls sa Manila gusto naming puntahan during our stay. Kaya lang nagkasakit si Rap (Impetigo) and bawal ma-expose ang skin niya sa bacteria. Buti na lang this time magagaling na ang mga sugat at pwede nang mag-gala.

After lunch, sinamahan kami ni Lucky sa EDSA Shrine. Doon ko na isinimba si Rap. After going to the church, nagbabad na kami sa Dreamscape. I bought him a whole day's pass para one to sawa siya sa paglalaro. Tyempo naman at nagshu-shooting ang cast ng "Going Bulilit" so enjoy lalo ang bulilit ko. Afterwards, we went to the grocery na to buy the ingredients for his mini-party tomorrow night.

Sobrang hirap talaga sa Manila pag walang sasakyan. Ang yayabang ng mga taxi drivers, kala mo kung sinong mga hari. Lalo na't nagsimula na ang tag-ulan. Hmpp! Akala naman nila mabubuhay sila kung walang mga pasahero. Buti na lang yung nasakyan ko from Megamall last May 17 mabait ang driver. Sana masakyan niyo rin ang taxi niya. Sayang hindi ko nakuha ang name ni Manong. Pero he drove a R&E taxi with plate number PXK 378. Pagsakay pa lang namin merong "Good evening!" agad. Nagulat nga si Mama at nagtanong kung bakit siya bumati. Akala ni Mama mangongontrata. Pero hindi. Makwento si Manong at kahit trapik hindi naaasar. Sa tuwa namin, imbes na 114 pesos lang ang nasa metro, 150 ang ibinayad namin.

Haay! Ang laki na ni Rap. 5 years old na. Feeling binata na nga eh. May crush na rin. Ilang birthdays pa independent na ito. Malamang, hindi na ito magsasama sa amin ng Daddy niya. In the meantime, magsasawa muna ako sa libreng hugs and kisses...

1 comment :

  1. those were the days Mauie!!

    I can so relate with the taxi stories haha

    ngayon, Donya ka na, pwede ka ng mag tayo ng taxi company! hahaha

    ReplyDelete

My Instagram

Copyright © The 24-Hour Mommy. Made with by OddThemes