Napuyat ako kagabi kay Rap. 11 pm na nakamulat pa rin. Nakabasa na kami ng bedtime story at lahat gising na gising pa rin. I sensed something wrong. Pag ganyan siguradong me iniisip to. Pag si Rap pa naman ang nag-isip, hindi mo aakalain na galing sa isang 5 year-old.
So tinanong ko siya kung anong problema. Gusto niya raw bumalik sa dating age niya. Oo nga pala, kaka-birthday lang niya nung May 20. Akalain ko ba na hindi niya pala type mag-birthday uli. Ayaw niya raw tumanda kasi maraming hindi na pwede gawin.
For example, di na siya pwedeng mag-dede. Nung 4 years old siya pwede pa. Nakahiwalay na rin siya ng bed sa amin ng Daddy niya. Pero ang ikina-shock ko talaga ay yung sabihin niyang ayaw niya tumanda kasi tatanda din daw ako. Pag matanda na raw kasi pupunta na ng heaven.
Omigod! Saan naman niya kaya nakuha yung idea na yon?!!!
Naalala ko earlier na nanood ako ng news with him. Pinakita kasi yung footage ng libing nung 2 sundalong namatay sa pagbagsak ng eroplano. Nai-close up pa yung 2 anak na naiwan nung isa. Siguro naka-affect sa kanya yun.
Sabi ko nga basta alagaan niya ako pag matanda na ako para hindi ako pumunta agad sa heaven.
Tinanong niya rin kung bakit umiiyak ang mga tao sa libing. Sabi ko kasi mami-miss nila yung taong namatay kasi pupunta na sa heaven. Sabi niya bigla di ba daw dapat masaya sila kasi pupunta na sa heaven yung namatay. Tulad daw ni Ninang France niya.
Oo nga naman, no? Bigla akong napa-isip. Hanggang ngayon malungkot pa rin ako sa pagkawala ni Ate France. Pero hindi rin pala dapat. Dapat masaya na ako kung saan man siya naroroon.
Nakatulog din si Rap matapos kong tapiktapikin at i-hele. Ako naman ang hindi nakatulog sa kakaisip ng mga sinabi niya.
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
Post a Comment