Litratong Pinoy: Paskong Pinoy


nativity scene

Hindi ko masyadong feel mamili ng regalo ngayong Pasko. Parang mas naging mahirap kasi ang buhay ngayon taon. Pero alam niyo naman, sa ating mga Pinoy, hindi pwedeng hindi mairaraos ang Pasko. Iyang Belen na iyan,pintura and white glue lang ang aming binili. Gawa ang lahat sa . Ang mga tao ay gawa sa taka (dyaryong hinulma gamit ang pandikit). Ang kubo ay galing sa mga tuyong talahib na ginupit sa mga bakanteng lote sa aming subdivision. Ang ilaw naman ay mga ginamit din noong nakaraang taon. Sa ganito lang siya nagsimula noong isang buwan. Konting imahinasyon at creativity lang ang kinailangan para magmukhang napakaganda.Kesa ibili ko pa ng mga bago at mamahaling dekorasyon, bibigyan ko na lang ng bonus ang aking mabait na alalay sa paggawa ng aming munting Belen.

I'm not too enthusiastic about Christmas shopping this year. I feel that life has become harder this year. But we Filipinos have a way to cope and to go through celebrating Christmas. This Belen outside our home is made of recycled materials. We used old newspapers and glue, dried cut grass, and old Christmas lights. We just bought glue and some poster colors. All it needed was a little imagination and creativity for it to be even more beautiful. I'm just going to give what I was able to save as bonus to our houseboy who made all of these possible.


Bookmark and Share

10 comments :

  1. mahirap man ang buhay ng mga Pinoy, nakakaisip naman ng paraan para mairaos ang Pasko =) ang ganda ng Belen ate.. tas may angel at star pa ^^ nice..

    Merry Christmas po! :D

    ReplyDelete
  2. Ang galing! yan naman talaga ang totoong Pasko di ba? simple - ngunit galing sa puso (naks!).

    ReplyDelete
  3. creative naman nyan! oo nga, kulang ang pasko ng pinoy kung walang belen :)

    ReplyDelete
  4. i like the treatment you used on your photo :) parang nostalgic ang effect, kahit simple lang ang subject.

    dito rin samin, throughout the years natuto na kami kung ano dapat mas pahalagahan lalo pag pasko.

    ReplyDelete
  5. ang ganda Mauie, ang galing! pwede pagawa next year? :D

    ReplyDelete
  6. Kahit anong hirap siguro ng mga tao, 'di pa rin talaga maiaalis ang magsaya tuwing kapaskuhan. Salamat sa pagdaan sa aking LP post.

    ReplyDelete
  7. ang galing naman...very creative talaga ang pinoy...

    ReplyDelete
  8. hindi tlga kailngan na mahal ang christmas decor... pag creative magiging mgnda nag lahat...

    cute ng belen...nice shot

    ReplyDelete
  9. ang ganda ng belen ninyo at very creative, mahirap gawin (at patuyuin ang mga ito, saludo ako). maligayang LP at maligayang Pasko!

    ReplyDelete

My Instagram

Copyright © The 24-Hour Mommy. Made with by OddThemes